8 patay matapos lumubog ang dalawang fishing boat sa California

Patay ang walong tao matapos na lumubog ang dalawang fishing boat sa bahagi ng San Diego California USA na sinasabing kaso ng migrant smuggling operation.

Ayon sa report, agad na nagsimula ng searcgy and recovery operation ang mga otoridad matapos na makatanggap ng tawag na mayroong fishing boats na “in distress” sa Black Beach ng San Diego.

Na-recover ng mga rescuer ang walong bangkay mula sa katubigan.

Kaugnay nito, sinabi ni San Diego Fire-REecue Lifeguard Division Chief James Gartland na isa ito sa pinakamatinding smuggling tragedies na maaaring mangyari sa California partikular sa San Diego.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad sa nationality ng mga biktima bagamat tiyak na pawang mga nasa legal age ang mga ito.

Sinasabing ang “hazardous” na kondisyon ng panahon ang nagdudulot ng peligro sa maritime smuggling operation at nagpahirap din sa rescue operations. (LMN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *