8 sakay ng lumubog na bangka sa Magsaysay Palawan, sinaklolohan ng Coast Guard

Mabilis na sinaklolohan ng mga tauhan ng Coast Guard Station Eastern Palawan (CGSEP) at Coast Guard Sub-Station Agutaya ang bangka na bahagyang lumubog sa Sitio Paya, Brgy. Alcoba, Magsaysay, Palawan.

Ayon sa Coastguard District Palawan, nangyari ang insidente nitong Miyerkoles, ika- 22 ng Pebrero 2023.

Lulan ng bangka na may pangalang R-Joy ang walong katao na agad naalalayan ng Coastguard.

Inihayag ng kapitan ng bangka na habang sila’y papunta sa Guinlabog Island bandang alas-dos ng hapon ay napansin na nilang may pinsala ang kanang starboard ng bangka dahilan para mapasok ito ng tubig at bahagyang nalubog.

Gayunpaman, walang napaulat na lubhang nasaktan sa nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *