8 sugatan nang mabangga ang jeep sa Libmanan, Camarines Sur

Camarines Sur-  Sugatan ang 8 katao matapos na mabangga ang jeep ng kasunod na refrigerated van sa Libmanan, Camarines Sur.

Nangyari ito nitong Dec. 22 , bandang alas 2:30 ng hapon sa Barangay Mambulo.

Habang binabaybay  ng jeep na dala ni Elden Albong , 40-anyos ng Pmplona, Camarines Sur ang daan mula sa Naga City patungo sa Libmanan aksidente itong nabangga ng nakasunod na puting refrigerated van na minamaneho ni Joseph Mediana, 37-anyos ng Navotas City.

Nagresulta ito sa pagkakasugat ng pitong mga pasahero kasama and dalawang menor de edad at ang driver ng truck. Dinala sa ospital ang mga nagtamo ng minor injuries pero si Mediana, matindi ang tama ng paa.

Ayon sa imbestigasyon huminto ang jeep upang pasakayin ang isang pasahero, hindi pa man nakakasakay nabangga na ito ng truck dahilan upan tumagilid ang jeep.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol.  Alex  PeƱafiel hepe ng Libmanan , PNP lumalabas sa kanilang imbestigasyon na may kabilisan ang takbo ng truck base sa CCTV footages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *