8 vaccination sites sa Tabaco City binuksan para sa National Vaccination Day

LEGAZPI-Walong vaccination sites sa Tabaco City ang bubuksan para sa pagsisimula ng National Vaccination day ngayong araw.

Ayon sa abiso ng Rural health Unit, kasama rito ang BUTC Gym, Pawa Cockpit, Buang Agriculture,Rabaco Northwest Central Elementary School, Sto. Cristo Chapel, Tabaco South Central Elementary School, Tabaco City Mall at Brgy. Agñas Chapel.

Target umano sa nasabing lungsod na makapagbakuna ng 1,000 doses sa bawat vaccination area o 8 thousand doses sa isang araw.

Aniya, marami ang kanilang bakuna kaya walang dahilan para hindi ito maturukan ng Covid-19 vaccine.

Nanawagan naman ito sa mga tabaqueńo na sumabay sa malawakang pagbabakuna ng sa gayoy maaabot na ng lungsod ang Herd Immunity.

Samantang nilinaw din nito na ang lahat ng mga nakaschedule para sa 2nd dose simula ngayong araw hanggang desyembre 1 ang kanselado muna at antayin ang abisong ipapalabas ng kanilang Rural Health Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *