80-anyos na lolo, nagtapos ng junior high school with highest honor

“Wala sa edad ang edukasyon, lalo na kung may sapat kang determinasyon”

KILALANIN ang 80-anyos na si “Lolo Philo” o Teofilo Bonites Jr. mula sa Marinduque.

Si Lolo Philo ay nagsisilbi ngayong inspirasyon dahil sakabila ng kanyang iniindang karamdaman at edad ay nagawa nitong makapagtapos ng Junior High School sa ilalim ng Alternative Learning System.

Tumanggap din ng parangal si Lolo Philo ng pagkilala bilang 1st Honor mula sakanyang batch.

Ayon sakanyang mobile teacher, nakitaan nila ng galing ang matanda sa larangan ng pakikipag debate gamit ang wikang ingles at bihasa din ito sa public speaking.

Hindi rin nagpapahuli si Lolo Philo sa makabagong teknolohiya dahil mayroon itong facebook account at nakikipag palitan rin ng mensahe sakanyang mga kamag-aral at guro gamit ang messenger.

Sa ngayon ay aabante na ang 80-anyos na lolo sa pag-aaral ng Senior High School upang matupad ang kanyang pangarap na maging news reporter.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *