80% na vaccination rate target ng mga ahensya de gobyerno sa Bicol region upang mailagay sa Alert Level 1 ang mga bayan

LEGAZPI CITY – Target ng mga ahensya de gobyerno sa Bicol Region ang 80 porsyento na vaccination rate sa mga bayan sa rehiyon upang mabakunahan ang total population ayon sa Department of Interior and Local Government

Ayon kay Regional Director Atty. Anthony Nuyda Jr. ng DILG Bicol, ang nakikitang dahilan upang tumaas ang vaccination rate sa mga lalawigan ay ang pagpapabakuna sa mga pediatric, senior citizen at iba pang mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay may pagdududa pa rin at umano’y side effects na pwedeng maramdaman kung magpabakuna ang mga ito.

Aniya, ang Booster shots ay pwede na rin idagdag upang tumaas ang vaccination rate sa mga bayan at lalawigan sa rehiyon, isinasama na rin ang booster shots sa mga kampanya ng Department of Health o DOH sa mga inilulunsad na bakunahan ng ahensya.

Dagdag pa ng opisyal, may mga guidelines ang mga ahensya upang maibaba sa Alert Level 1 ang isang bayan o lalawigan at isa na rito ang target vaccination rate na total population ng isang Local Government Unit.

Sa kabila nito, karamihan sa mga nabakunahan ng 1st dose at 2nd dose ay hindi na kinukumpleto ang booster shots ngunit patuloy pa rin ang education campaign ukol dito marami-rami na rin ang nagpapa-booster shots sa ngayon.

Samantala, isinasagawa na rin sa mga barangay ang ang pagpapabakuna dahilan na pwedeng-pwede na magwalk-in sa kanilang barangay ang mga residente upang makapagpa-bakuna at makapagsagawa ng educational campaign sa mga may pagdududa pa hanggang sa ngayon sa bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.