Weather News

80k individuals, inilikas dahil sa Bagyong #KardingPH

Aabot na sa 78,907 indibidwal o katumbas ng 20,400 na mga pamilya ang apektado at nagsilikas dahil sa paghagupit ng Bagyong Karding.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Deputy Spokesperson Asec. Raffy Alejandro na mayroong 84 barangay ang apektado ng bagyo mula sa Regions II, III, IV-A, IV-B, V, Cordillera Administrative Region, at sa Metro Manila.

Ayon kay Alejandro, higit na naapektuhan ay ang mga Lalawigan ng Bulacan, Quezon Province at Nueva Ecija.

Sa inisyal na assessment – hindi umano matindi ang pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura, ngunit higit na naapektuhan ang agriculture sector partikular na sa Nueva Ecija.

Aabot sa 740 mga magasaka ang apektado at kabuoang 16,299 na ektaryang pananim ang nawasak dahil sa Bagyo.

Wala pa rin aniyang stable na supply ng kuryente sa Quezon at sa Camarines Norte.

Samantala, maaari naman na aniyang bumalik ang mga evacuees sa kanilang mga tahanan sa oras na ma-clear na ang kanilang mga area.

Maaari na ring mag-resume ang klase sa mga paaralang hindi na kabilang sa wind signals simula bukas.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago