80k Sorsoganon, inaasahang dadalo sa Grandest Pasalinggaya raffle ngayong araw

SORSOGON CITY—Aaabot sa 80,000 na mga Sorsoganon ang inaasahang dadalo sa Pasalinggaya raffle ngayong araw simula ala 1:00 ng hapon na gaganapin sa bagong Sorsogon Arena o Sports Complex.

Ayon kay Provincial Information Officer Dong Mendoza, isa ito sa Grandest Pasalinggaya ngayong taon.

Ayon pa kay Mendoza, sa mismong entrance lamang magbibigay ng ticket at walang nang iba.

Nagpaalala naman si PLTCOL Jeric Don Sadia, Chief of Police ng Sorsogon City Police sa mga dadalo na siguruhing may dalang tubig at pagkain para hindi magutom sa pila.

Wag na rin umanong magsama ng mga bata o kaya mga senior citizens na mahihirapan lamang sa pila at posibleng masakripisyo ang kalusugan.

Mapapanalunan sa nasabing raffle ang limang Toyota Wigo, 25 TMX Honda motorcycle, mga appliances at cash prizes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *