81-anyos, patay sa pamamaril sa Batangas City

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril sa isang 81-anyos na lalaki habang ito ay nasa kanilang garahe sa Purok Romano, Talumpok Silangan, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang biktima na si Bienvenido Delica y Gutierrez, lider ng isang kooperatiba at residente ng Purok Romano Talumpok Silangan, Batangas City.

Sinabi sa Brigada Batangas ni Lt. Col. Dwight Fonte, hepe ng Batangas CPS, may mga tinitingnan na silang anggulo sa ngayon kaugnay sa motibo ng mga suspek sa pamamaslang.

Batay sa imbestigasyon, dead on spot ang biktima matapos na magtamo ng bala makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay nasa garahe ng kanilang bahay noong Linggo ng umaga, Pebrero 19, 2023.

Paalis na umano ang biktima ng dumating ang suspek at dala ang hindi pa nalamang uri ng armas.

Tinutugis na ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *