82-year old comic book na Superman #1, naibenta ng mahigit P132 million

Nakilala ang karakter ng superhero na si Superman sa pamamagitan ng isang comics na inilathala at inilabas sa publiko noong taong 1938 sa ilalim ng National Periodical Publications.

Matapos itong mailathala, lubos na tinangkilik ng mga mambabasa ang kanyang kwento at karakter kaya naman muling naglathala ang nasabing publication company ng sariling comic book ni Superman na may pamagat na Superman #1.

Noong panahon, 10 centavos lamang ang halaga nito kung bibilhin sa mga newsstands ngunit sa paglipas ng maraming taon kung saan nagkaroon na ng maraming bersyon ng T.V adaptations nito at nalaos na rin ang komiks, bihira na lamang makita ang comic book na nailathala 82 taon na ang nakakaraan.

Kaya ganun na lamang kamahal na naibenta sa isang auction ang 82 year old Superman #1 comic book nang ito ay maisubasta sa isang collector sa halagang $2.6 million o katumbas ng P132,600,000.

Ayon sa dating may ari nito na si Mark Michaelson, mahal niyang naibenta ang comic book dahil naalagaan at na preserba niya ito ng maayos mula nang ito ay kanya namang mabili noong 1979.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *