8,276 bagong COVID-19 cases; Total tally, 1,028,738 na

Naiulat ng Department of Health (DOH) ang 8,276 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang kabuoang bilang sa 1,028,738.

Hindi naman kasama sa datos ang isang laboratoryo na bilang makasumite ng kanilang report, on time.

Dahil dito, bahagyang tumaas ang bilang ng mga active cases sa bansa sa 69,354, kung saan 94.9% ang mild, 1.6% ang asymptomatic, 1.4% ang severe, at 1.1% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries naman ay tumaas sa 942,239, matapos maitala ang 6,636 na mga bagong gumaling, habang 114 naman ang bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 17,145. (MHEL PACIA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *