83rd IB sinaluduhan ang mga kapwa sundalo at lahat ng kasama sa search and retrieval sa mga sakay ng Cessna Plane 340A

NAGA CITY- Buwis buhay ang search and rescue na kalaunan ay naging search and retrieval operation sa apat na sakay ng Cessna Plane 340 na bumagsak malapit sa crater ng Bulkang Mayon noong Feb. 18, 2023.

Kita ito sa nga larawang ibinabahagi ng mga responders at retrievers sa pamamagitan ng fb page ni Camalig Mayor Caloy Baldo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay 83rd Infantry Batallion head LtCol. Rodito Gotladera sinabi nitong nakaka proud ang kapwa mga sundalo.  Kasama aniya sa kanilang trainings ang pagsagip ng buhay at pag responde sa mga sakuna.

Wala aniyang kasama sa team doon na mula sa kanilang hanay sa 83rd pero labis ang kaniyang paghanga sa lahat.

Sa Camarines Sur aniya , kasama ang 83rd IB sa mga kompleto ang kagamitan , training at malaki rin ang papel sa  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama aniya ito sa pagiging sundalo.

Samantala, kabilang sa mga hindi masukat ang sakripisyo upang makuha at maibaba ang mga bangkay ay ang  Mayon Mountaineers, Federation of Bicol Mountaineers Inc at Mountaineering Federation of the Philippines.

Gayundin ang  Naval Special Operations Group (NAVSOG), Bureau of  Fire Protection – Special Rescue Force (BFP-SRF) at  mixed mountaineers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *