85 units ng composting facilities para sa biodegradable wastes sa iba’t ibang farmers cooperatives at association, sinimulan ng ipamahagi – DA Bicol

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang pamamahagi ng 85 units ng composting facilities para sa biodegradable wastes sa iba’t ibang farmer cooperatives and associations (FCAs) sa rehiyon sa pamamagitan ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM).

Ayon kay Lovella Guarin, DA-Bicol Regional information officer, 52 units na ang naihatid sa FCA sa Camarines Sur, habang walong units ang ihahatid sa Camarines Norte; tigsiyam sa Albay at Sorsogon; tatlo sa Catanduanes; at apat sa Masbate.

Aabot sa PHP3B ang nakalaan sa pagtatayo ng isang composting facility para sa biodegradable waste sa ilalim ng Rice, High-Value Crops Development Program at Organic Agriculture.

Ito ang programang idinisenyo upang dagdagan ang subsidy ng pataba ng nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng probisyon nito sa mga lokal na magsasaka upang palakasin ang kanilang produksyon.

Samantala, sinabi ni Water Resources Management Division chief Ernesto B. Brampio na ang bawat pakete ng composting facility for biodegradable waste ay maaaring makagawa ng 800 kilo hanggang isang tonelada ng compost na katumbas ng anim na sako kada linggo o 2,040 sako ng organic fertilizer kada buwan.

Ang pag-compost ay maaaring magpalusog sa lupa, mabawasan ang mga panganib ng paggamit ng mga sintetikong pataba at protektahan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas, muling paggamit at pag-recycle ng mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *