86 pribado at pampublikong eskwelahan sa Aklan, inaprobahan ng DepEd sa Limited Face to-Face Classes

Inaprobahan na ng Department of Education (DepEd) Region 6 ang hiling ng ilang mga pribado at pampublikong paaralan sa Aklan para sa expansion phase ng Limited Face to-face classes.

Base sa Memorandum No. 204 series of 2022 ng Department of Education (DepEd) Region6, inaprobahan ang 86 na mga pribado at pam publikong paaralan sa probinsya.

Natanggap na ang memorandum ni Schools Division Superintendent Dr. Miguel Mac Apusin ,CESO V sa ilalim ng Office Order 00-OSEC -2002-003.

Dahil sa nasunod ng 86 na mga paaralan ang minimum requirements ng DepEd ay pinahintulutan na sila ng Expansion ng Limited Face to-Face Classes sa ginawang balidasyon ng Regional Composite Team.(MARIVIC YARI ILIN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *