8,735 new COVID-19 infections; Active cases, higit 63,000 na

Nagtala ang Pilipinas ng 8,735 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,597,689.

Ito na ang pangatlong araw kung saan naitala ang mahigit 8,000 na mga bagong kaso.

Ayon sa Department of Health, dahil sa mga bagong kaso pumalo pa ang bilang ng mga active cases sa bansa sa 63,646, ang pinakamataas na naitala simula noong May 8, kung saan 94% sa mga ito ay mild, 1.3% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang kabuoang bilang naman ng recoveries ay tumaas sa 1,506,027, matapos gumaling ang 5,930 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 28,016, matapos maitala ang 127 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *