89 benepisyaryo sa So.Cot nakatanggap ng livelihood starter kits

KORONADAL CITY- NAKABENEPISYO sa P 1.68 million na halaga ng livelihood starter kits o Nego-Kart ang 89 na mga indibidwal sa probinsya ng South Cotabato.

Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o KABUHAYAN program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng provincial government ng South Cotabato.

Kabilang sa natanggap ng mga ito na starter kits ay para sa baking, turmeric making, carenderia business, kakanin vending at iba pa.

Ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Flora Cavan na ang naturang mga benepisyaryo ay kabilang sa 261 na mga recipients ng livelihood program na may kabuuang halaga na P 5 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *