89 new COVID-19 cases – pinakamababang tally mula April 2020

Nakapagtala ang Pilipinas ng 89 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ayon sa Department of Health, ito na ang pinakamababang daily tally ng bansa simula noong April 4, 2020.

Bukod dito, ang naitalang bilang din ang pinakaunang beses kung saan ang single day count ng bagong kaso ay hindi umabot ng 100.

Samantala, umabot na sa kabuoang 9,632 ang active cases sa bansa, habang nadagdagan naman ng 303 ang bilang ng mga gumaling.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyon na may mataas na bilang ng infection – na sa kasalukuyan ay nasa 701.

Sinusundan ito ng CALABARZON na may 381 active cases, Western Visayas na may 242, Davao Region na may 204, at Central Luzon na may 176.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *