9-14 YEARS OLD NA KABABAIHAN, TARGET NA MABAKUNAHAN LABAN SA HPV – CVMC

Target ng Cagayan Valley Medical Center na mabakunahan laban sa Human Papillomavirus ang mga kababaihang nasa edad siyam hanggang labing-apat.

Una rito, napag-alaman na noong 2022 ay aabot sa 324 na kababaihan ang nakitaan n sakit na cervical cancer.

Ikinokonsidera ng Department of Health na ang cervical cancer ay pangalawa sa mga nagiging sakit ng mga kababaihang edad 15-44 kung saan nasa 12 na mga kababaihan umano sa bansa ang namamatay kada-araw.

Ang Human Papillomavirus na nakukuha sa pamamagitan ng sexual contact ang nagsasanhi ng cervical cancer at ang iba pang factors ay ang paninigarilyo at multiple childbirths.

Ipinunto pa ni CVMC Obstetrician Gynecologist Dr. Janet Mahor-Chua na mula sa 324 na may sakit nito ay 2% sa mga ito ang namatay dahil sa naturang cancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *