9 bata kabilang sa 10 patay sa karambola ng sasakyan sa Alabama

Sampung tao ang nasawi kabilang ang 9 na bata sa karambola ng 18 sasakyan sa Alabama sa kasagsagan ng bagyo na nagdulot ng pagbaha na nagresulta din sa pagkasira ng ilang kabahayan.

Sa inisyal na report, ang mga biktima ay mula 9 hanggang 17 ang edad.

Ayon kay Butler County Coroner Wayne Garlock, posibleng nawalan ng kontrol ang mga sasakyan dahil sa madulas na kalsada.

Sinabi ni Garlock na walo sa mga biktima ay sakay ng isang bus na pag-aari ng Tallaposa County Girls Ranch na isang bahay ampunan ng mga abandonado, pinabayaan at mga inabusing mga babae.

Napag-alamang marami sa mga sasakyang sangkot sa multiple collission ang nasunog na tinawag na “horrific scene” ng mga nakakita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *