Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa siyam na lungsod sa National Capital Region (NCR) dahil tsunami-prone ang mga lugar.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, kabilang na rito ang Metro Manila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Navotas, Pasay, Parañaque, at maging sa Valenzuela.
Bukod dito, may 66 na lalawigan pa sa bansa ang kasama sa lugar na delikado sa Tsunami dahil matatagpuan aniya ang mga ito sa low-lying areas na nasa Silangang bahagi ng seaboards malapit sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi pa ni Bacolcol, maaaring magdulot ng tsunami waves na mayroong taas na 30 hanggang 50 meters kapag lumindol na may lakas na 8.3 magnitude sa Manila trench.
Binigyang-diin ng Phivolcs director na patuloy na kumikilos ang ahensya hinggil sa paggawa ng hazard mapping para maiwasan ang matinding epekto ng tsunami sa mga apektadong lugar.