9 na dating miyembro ng NPA sa Daraga, Albay, binigyan ng livelihood assistance mula sa DTI Albay

Binigyan ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay ng livelihood assistance ang siyam na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na boluntaryong sumuko ang mga ito sa gobyerno.

Ayon sa nasabing tanggapan, tinanggap na mga dating rebelde ang tulong ng pamahalaan sa bayan ng Daraga.

Pinangunahan ang paggawad ng livelihood package nina Albay Gov. Noel Rosal at DTI Provincial Director Dindo Nabol, sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at pakikipag-ugnayan sa Philippine Army at Daraga Municipal Police Office Station.

Nagpasalamat naman ang PSWDO sa DTI-Albay sa tulong na ipinagkaloob nito, kasama na ang sari-sari store kits na natanggap ng mga benepisyaryo.

Ang tulong na ito ay bahagi ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa – Livelihood and Entrepreneurship Program ng DTI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *