9 na lugar sa Bicol, ginawaran sa Gawad Kalasag 2022

Siyam na mga lugar mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol region ang nakatanggap ng award sa Gawad Kalasag 2022 na isinagawa sa isang hotel sa lunsod ng Legazpi, Albay.

Sa isinagawang seremonya, kabilang sa mga nakatanggap ng award ay ang Legazpi City na ginawaran bilang ‘best compliant’, habang ang mga nakakuha ng ‘fully compliant’ awards naman ay ang mga lugar mula sa Camarines Sur partikular ang Iriga City, Magarao, Nabua at Pasacao.

Kasama rin ang Aroroy at ang Pio V Corpus ng Masbate; at ang parehong lugar mula sa Sorsogon na Bulan at Bulusan.

Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon din ng isang press conference kung saan tinalakay ng ilang mga tagapagsalita mula sa DILG Bicol, OCD Bicol at iba pa ang naging mga pamantayan sa pagpili ng gagawaran at sinabi nilang hindi naman madali ang pagpipili.

Sinusuri nila umano ang mga structures, competencies maging ang management systems ng 91 LGUs na nagkiisa sa Gawad Kalasag bago ang awarding.

Bukod ditto, isa pa sa kanilang tinitignan ay ang pagpapatupad ng mga LGUs sakanilang polisiya pagdating sa disaster management.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *