9 na panibagong kaso, 17 nakarekober at 16 na pagkasawi dahil sa COVID-19,naitala sa lalawigan ng CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE- Nakapagtala kahapon ang DOH BICOL sa Camarines norte ng 9 Na Panibagong Kaso, 17 na nakarekober at 16 na pagkasawi dahil sa COVID-19.

Base sa Case bulletin report na ipinalabas kahapon ng naturang kagawaran, ang mga panibagong kaso ay naitala mula sa mga bayan ng Daet na may 3 kaso, 2 ang nagmula sa bayan ng Basud habang may ti-i-isang kaso ang naitala mula sa mga bayan ng Paracale, Santa Elena at Talisay

Bunsod nito, may kasalukuyang 341 ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte

Naitala naman ang 17 recoveries dahilan upang sumampa na sa 792 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa sakit

Lomobo naman sa 51 ang bilang ng mga nasasawi matapos na makapagtala ng 16 na kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Norte

Sa kasalukuyan ang lalawigan ng Camarines Norte sa tala ng DOH ay nakakapagtala na ng kabuuang bilang na 1,184 mula ng maranasan ang pandemya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *