9 na pulis na umano’y sangkot sa pagkamatay ni Calbayog City Mayor Aquino, pinayagang makapagpiyansa

Pinayagan ng Regional Trial Court Branch 31 ng Calbayog City na makapagpiyansa ang siyam na pulis na umano’y sangkot sa pagkamatay ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at tatlong iba pa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Sa isang order na may petsang March 7, 2023, sinabi ni Judge Maricar Lucero  na ang prosekusyon ay nabigong magtatag ng malakas na ebidensya na nagsasangkot sa siyam na pulis sa pagpatay sa dating alkalde.

Pinahintulutang makapaglagak ng tig-P120, 000 piyansa ang mga ito para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Matatandaang bukod kay Aquino, napatay din ang kanyang security aide na si MSgt. Rodeo Sario, driver niyang si Dennis Abayon, at bystander na si Clint John Paul Yauder.

Si Aquino ang pangalawang alkalde ng Calbayog City na pinaslang pagkatapos ni Reynaldo Uy noong 2011.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *