9, naisyuhan ng traffic violations sa ceremonial launching ng Comelec Checkpoint

SORSOGON CITY – Walang naitalang election related violations subalit  naisyuhan ang siyam na  indibidwal ng ticket dahil sa ibat-ibang bayolasyon sa ikinasang ceremonial launching ng Comelec Checkpoint dakong alas 12:00 ng hatinggabi, Enero 9.

Kinabibilangan ito ng limang indibidwal na walang suot na facemask at dalawang walang suot na seat belt; isa naman ang naisyuhan ng TOP dahil walang suot na helmet at ang isa ay walang dalang OR/CR.

Ang ceremonial launching ay pinangunahan ng Comelec Provincial Supervisor na si Atty Calixto Aquino, City Election Officer Karla Jerrera, PNP Sorsogon Provincial Director PCol Arturo Brual Jr. at ang hepe ng Sorsogon City Police Station na si PMaj Jeric Don Sadia.

Ang Comelec Checkpoint ay kasabay ng pormal na pagsisimula ng gun ban, ito ay inilunsad sa buong bansa at magtatagal hanggang Hunyo 8 bilang bahagi ng 150-day nationwide prohibition sa pagbitbit ng baril kaugnay sa Halalan 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published.