8, patay matapos araruhin ng dump truck ang isang SUV at motorsiklo sa Nasugbu, Batangas

Patay ang pitong sakay ng SUV at ang driver ng motorsiklo matapos na araruhin ang mga ito ng isang dump truck na may kargang buhangin sa kahabaan ng Sitio Lodlod, Barangay Aga, Nasugbu.

Ayon sa imbestigasyon ng Nasugbu Municipal Police Station, bandang alas-4:45 kaninang umaga nang maganap ang naturang aksidente.

Binabagtas umano ng dumptruck na minamaneho ni Bren Bryan Constantino ang daan patungong Nasugbu, Batangas.

Subalit, pagdating sa lugar ng insidente ay di umano’y nag-overtake ito at nawalan ng preno kung saan bumangga sa isang fruit stand sa kaliwang bahagi ng daan at inararo ang dalawang sasakyan na binabagtas naman ang kasalungat na direksyon.

Natabunan ng kargang buhanging ng dump truck ang SUV at nagtamo ang mga sakay nito maging ang driver ng motorsiklo ng matinding pinsala sa katawan na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng anim na sakay ng SUV.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mapanagot ang may sala sa nangyaring insidente.(BNFM BATANGAS | ARIS DE SILVA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *