9 pupil inireklamo ang kanilang teacher dahil sa pangmomolestya

Siyam na mag-aaral ng grade 4 ang nagreklamo dahil humano sa pagmomolestya ng kanilang guro sa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa isang eskwelahan sa Bangkas Heights, Davao City.

Sa exclusive interview ng 91.5 Brigada News FM-Davao sa mga magulan ng mga biktima isinalaysay nila ang pambabastos ng guro na si alyas Ryan na nag-umpisa umano noong March 8 ngayon taon noong isinagawa na ang face-to-face classes.

Hindi lang umano panghahawak sa maselang bahagi ng mga bata ang ginagawa ni teacher Ryan at minsan ang idinidikit pa nito ang kanyang ari sa likod na bahagi ng mga biktima.

Ayon ni alyas Ayleen, ina ng isa sa mga biktima na achiever pa sa kanilang klase, napaiyak umano ang bata habang isinunumbong ang ginagawa ng kanilang teacher sa kanila.

Nagpabrigada ang mga magulang dahil umano tila tinatakpan pa ng principal ang ginawa ng nasabing guro. Agad naman sinamahan ng Brigada Davao ang mga biktima para masuplong na sa pulisya ang malaswang ginagawa ng teacher.

Leave a Reply

Your email address will not be published.