9 years old na batang lalaki sa Canada, nang hijack ng isang bus

KAMUNTIK-MUNTIKAN ng matangay ng isang 9 years old na batang lalaki sa Saskatooon City, Canada ang isang bus na tig- hijack nito.

Ang batang lalaki ay nagawang paandarin ang nasabing bus dahil sa naiwan umano ng driver na bukas at buhay pa ang makina ng nasabing sasakyan.

Bumangga naman sa nakaparadang truck ang nasabing bus kaya muling nabawi ng mga awtoridad mula sa bata ang sasakyan.

Mabuti na lang at wala namang nasaktan sa nangyaring  banggaan at tanging damage lang sa na-hijack na bus ang problema.

Matapos ang mga pangyayari ang kapulisan ay iniimbestigahan kung sino ang nagkasala at dapat pagbayarin. Samantala nilinaw naman ng mga pulis na wala silang balak na kasuhan ang nasabing bata dahil ito umano ay wala pa sa wastong gulang.###CD  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *