KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng tig P 50,000 na ayuda ang siyam na mga Agripreneurs sa South Cotabato. Ito ay sa ilalim ng Young Farmers Challenge: Kabataang Agribiz Competitive Grant Assistance ng Department of Agriculture (DA) Region 12.
Ang naturang grant assistance ay gagamitin ng mga kalahok bilang capital sa kanilang ipinapanukalang negosyo sa larangan ng agrikultura.
Kabilang sa nakatanggap ng tig P 50,000 na grant sina Josue Carmen Jr. at Samuel Carmen ng Sitio Aliwanay, Naci, Surallah para sa Carolina Reapers (Worlds Hottest Pepper) Industrial Scale Production and Processing; Chester Ian S. Pineda at Sharlene S. Pineda ng Brgy. Cabudian, Banga para sa Rabbitry Farming Integrated with Bio-Fertilizer Production; at Kimberly M. Bajade ng Brgy. Maibo, Tantangan para sa Swine production.
Nakatanggap din ng grant assistance si Dyle Pedrabuena Lentija ng Manuel Roxas, Sto. Nino para sa proposal nito na Hilam-os Organic Soap- Making Venture; Deana P. Magbanua ng Sitio Snip, Brgy. Tablo, Tampakan para sa Free Range Rhode Island Red Chicken; Francis Ivan C. Alcorin ng San Gabriel Homes, Polomolok para sa Urban Aquaphonics at Juliet Ferrer ng Barangay Topland Koronadal City para sa Hog Raising Project sini.
Ang awarding ng cheke sa mga young agripreneurs ay pinangunahan mismo ni DA 12 regional director Arlan Mangelen.
Napag-alaman na 85 mga kabataan sa buong rehiyon 12 ang kalahok sa naturang kompetisyon.
Ang Kabataang Agribiz ay isang competitive financial grant assistance program ng DA para sa mga kabataan na papasok sa agri-fishery based enterprises.
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…