90-anyos na babae, nagta-trabaho bilang fitness instructor sa Japan

Japan—Isa ka ba sa mga bata pa naman ang edad ngunit tamad nang mag ehersisyo? o kabilang ka din sa mga teen ager pa lang pero yung pananakit ng likod ay parang senior citizen na?

Kung ganun, dapat mong kapulutan ng inspirasyon at paghanga ang isang 90-anyos na babaeng si Takishima Mika mula sa bansang Japan dahil sakabila ng kanyang edad ay aktibo pa rin ito sa gym at katunayan  ay nagta trabaho pa rin ito bilang isang fitness instructor.

Ayon kay Mika, edad 65-anyos nang magsimula siyang pumasok sa gym upang magbawas ng timbang nang punain siya ng kanyang asawa dahil sakanyang bumibigat na timbang.

Mula noon, nabuo na ang kanyang interes sa pag e-ehersisyo at naisip niyang mas gusto niyang magsilbing inspirasyon sa iba at makatulong din sa mga katulad niyang dati ay problema din ang pagbabawas ng timbang.

Matapos na mailathala ng media sa Japan ang tungkol sa kwento ni Mika, mas maraming may edad nang mga kababaihan at maging mga kalalakihan ang nag enroll sakanyang fitness program.

Sa kasalukuyan, si Takishima Mika ang ikinokonsiderang pinakamatandang fitness instructor sa buong mundo. || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *