90% ng populasyon ng mga aso sa Legazpi City, nabakunahan na laban sa rabies – City Vet

Kinumpirma ng Legazpi City Veterinary Office na halos nasa 90% na ng populasyon ng mga aso sa lunsod ang nababakunahan laban sa rabies.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Emmanuel Estipona, head ng nasabing opisina, sa ngayon ay nabakunahan na nila ang mahigit 29,000 mga aso mula sa 30,000 na populasyon nito.

Aniya, hindi na tataas pa sa limang mga barangay sa lunsod ang hindi pa nababakunahan mula sa 70 mga barangay kung saan kabilang dito ang Buraguis at Taisan.

Dagdag pa niya, nagsagawa na rin ang kanilang tanggapan ng oryentasyon tungkol sa Barangay Responsible Owners of Dog (BROD) program sa mga barangay.

Umaasa naman ang opisyal na sa susunod na taon ay maipatupad na ang Responsible Pet Ownership ordinance, dahil kung hindi umano babaguhin ang mga hakbang sa pagkontrol ng stray drogs at rabies, baka umabot pa ng sampu hanggang dalawampung taon ang pagsasagawa nito na wala namang pagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *