900 sako ng bigas, natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay mula sa Chinese embassy

LEGAZPI CITY – Umabot sa 900 sako ng mga bigas ang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay mula sa Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines na ginanap sa Albay Astrodome.

Ipinamahagi ang mga bigas sa pamamagitan ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc., Albay sa pangunguna ni Mr. John Hong.

Layunin ng embahada ng nasabing bansa na makaambag ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga donasyon ng suplay ng bigas para sa ipinagpapatuloy na relief operations matapos ang paghagupit ng bagyong Paeng sa bansa.

Nagpahayag naman ng pagpapasalamat ang gobernador ng lalawigan na si Noel Rosal dahil sa ibinigay na mga sako-sakong bigas.

Siniguro naman ng gobernador na ang mga bigas ay makakarating sa mga Albayano.

Dinaluhan ng ilang mga indibidwal tulad nina PSWD Officer Vivien Cea, kasama sina APSEMO chief Cedric Daep at Gov. Rosal ang nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *