Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ang 900,000 na halaga ng livelihood assistance sa 75 na pamilya mula sa 3 Conflict Vulnerable Areas (CVAs) alinsunod sa Executive No. 70 ng pamahalaan.
Inihayag ni Elmerio Echemane, ang Presidente ng Minanga Malaueg Sustainable Livelihood Program (SLP) Association ang kanyang pasasalamat sa ahensya at aniya gagamitin ang natanggap na pondo sa pagpapatayo ng mini grocery at bigasan na lubhang kailangan ng kanilang barangay.
Bukod dito ay mayroon ding ibinigay na 300,000 grant sa Minanga Malaueg SLPA, Matalag SLPA, Anurturu Fish and Sheep SLPA sa Rizal na napiling target na mabigyan ng seed capital.
Ito ay sa ilalim ng SLP-Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) strategies ng DSWD Region 2.
Samantala, tiniyak naman ni DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo na tutulungan ang mga benepisaryo sa pagpapalago ng kanilang ibinigay na pangkabuhayan sa pamamagitan ng regular monitoring.
Nakatakda namang makumpleto ng ahensya ang distribusyon ng livelihood assistance sa tatlo pang target na CVA sa bayan ng Sto. Niño at Piat ng Cagayan ngayong buwan ng Oktubre.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…