KORONADAL CITY – NASA 92 mga pasyente na ang naserbisyuhan ng provincial government ng South Cotabato at naka-avail ng Free Patient Transport Services sa unang quarter ng 2023.
Ito ang inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer o PDRRMO OIC Rolly Aquino batay sa datos mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Ang naturang programa ay nagbibigay ng libreng transportasyon sa pagbiyahe, pagsundo at paghahatid ng mga pasyente, papunta sa mga ospital o pauwi sa kanilang bahay.
Ayon kay Aquino na karamihan sa mga pasyenteng naka-avail nito ay mga cancer patients na inihatid sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City.
Sa mga gustong maka-avail ng Free Patient Transport Services, makipag-ugnayan lamang sa 24/7 emergency hotline number ng PDRRMO na 09275426430 at 09691915810.
