Nagtala si Dillon Brooks ng 31 points habang nagdagdag naman si Ja Morant ng 26 pints para pangunahan ang No 8. seed na Memphies Grizzlies sa kanilang 112-109 upset win laban sa No.1 Utah Jazz sa Salt Lake City para sa first round ng Western Conference playoffs.

Natambakan pa ng 14 points ang Grizzlies sa first half, ngunit pagdating ng fourth quarter ay nakalamang na ito ng 15 points.

Pinanatili ng Grizzlies ang kanilang lamang hanggang sa sila ay magwagi sa home court ng top-seed team, dalawang araw lamang matapos nilang makamit ang kanilang playoffs spot.

Kulang ang mga miyembro ng Jazz matapos na hindi makapaglaro ang all-star guard nito na si Donovan Mitchell, ngunit sinabi niya na bumubuti na ang kanyang sprained ankle at handa na siyang maglaro.

Noong nakaraang buwan ay hindi rin nakapaglaro si Mitchell sa regular season.

Pinanunghan naman ni dating Grizzlies guard Mike Conely ang Jazz sa score na 22 points at 11 assists habang umiskor naman si Bojan Bogdanovic ng 29 points sa second half para sa Utah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *