93 katao sa Assumption, Koronadal, nag-negatibo sa filariasis base sa blood smearing

KORONADAL CITY- MULING nagsagawa ng nocturnal blood smearing ang provincial mosquito-borne disease team ng Integrated Provincial Health Office – IPHO-South Cotabato sa Barangay Assumption, Koronadal City matapos na may isang nagpositibo sa sakit na filariasis noong Sabado.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Jose Baroquillo, sanitary inspector 4 at provincial mosquito-borne diseases coordinator ng IPHO-South Cotabato, inihayag nitong pawang nag-negatibo sa sakit na filariasis ang 93 ang mga indibidwal na sumailalim sa nocturnal blood smearing.

Dagdag pa ni Baroquillo na sa nasabing bilang 55 sa mga ito ang mula sa Sitio El Nalam, 32 ang mula sa Sitio Lobon at anim mula sa Upper Ladol ng nasabing barangay.

Agad naman nagbigay ng mga mosquito nets ang tanggapan ng IPHO sa mga residente upang maiwasan ang sakit na dala ng mga lamok.

Hinikayat din ng opisyal ang lahat na maglinis ng paligid upang mapuksa ang mga breeding sites ng lamok at magpatupad ng 4S strategy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *