950,000 dumalo sa  Traslacion Procession 2023 sa Naga City-JOC

NAGA CITY- 950,000 mga deboto ang dumalo sa Traslacion Procession 2023.

Ito ang official assessment ng Joint Operations Center (JOC). Bago pa man ang pormal na pag abante ng estandarte ng El Divino Rostro at andas ni Inang Peñafrancia, pumuwesto na ang marami sa mga tabi ng kalsada, sa 2nd floor o kahit sa roof top pa ng mga bahay at establishments upang masilayan ang mga imahen. Ang iba naman nag -abang sa Plaza Quince Martires at sa Elias Angeles Street.

Matapos ang Traslacion, puno ang Metropolitan Naga Cathedral grounds, ang mga hindi na nakapasok at piniling hindi na pumasok nanatili na lamang sa labas ng simbahan kung saan mayroong malalaking monitors na napapanood ang misa sa Quadricentennial Arch.

Mahigit dalawang libong mga pulis ang naka deploy para sa seguridad at crowd control. Wala pang assessment ang PNP sa naging takbo ng Traslacion. Ngayong araw , sunod-sunod pa ang misa para kay Ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *