97, 200 indibidwal sa Camarines Norte edad 5 taong gulang pataas target ng PSA na mairehistro sa PhilSys sa unang quarter ng 2023

CAMARINES NORTE- Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang nasa 97, 200 indibidwal base sa total population ng edad na limang taong gulang pataas sa lalawigan ng Camarines Norte.

Bukod dito mag- iisyu rin ng nasa 81, 000 electronic Philippine Identification (ePhilID) ang ahensiya sa loob ng panahong nabanggit.

Sa datos ng PSA hanggang January 31, 2023 umaabot na sa 453, 152 indibidwal o average na 84. 06 percent sa target na 539, 054 na limang taong gulang pataas ang nairehistro na sa PhilSys sa lalawigan.

Aabot naman sa 35, 507 ePhilIDs o katumbas ng 116. 04 percent ng target na 30, 600 para sa buwan ng Enero ang naipamahagi.

Sa kabuuan nasa 138, 774 na ePhilIDs na ang inisyu sa lalawigan kung idagdag sa bilang noong nakaraang taon.

Samantala, aabot naman sa kabuuang 124, 901 na Physical Card ang nai- deliver na ng Philippine Postal Corporation (Philpost) sa labingdalawang bayan hanggang January 31, 2023

Sa bilang na ito 6, 141 ang naipamahagi sa Basud, 4, 878 sa Capalonga, 28, 882 sa Daet, 3, 532 sa San Lorenzo Ruiz, 8, 536 sa Jose Panganiban, 30, 455 sa Labo, 8, 016 sa Mercedes, 8, 669 sa Paracale, 2, 577 sa San Vicente, 10, 249 sa Sta Elena, 5, 402 sa Talisay at 7, 564 sa Vinzons.

Patuloy din ang ginagawang mobile registration ng PSA sa iba’t- ibang bayan, barangay, eskwelahan maging sa mga pamubliko at pribadong institusyon upang maisguro na maisasama lahat sa PhilSys.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *