99 anyos na Lola pinakamatandang nabakunahan sa 300 na senior citizen sa Tiwi Albay

LEGAZI CITY – Kinumpirma ng Local Government Unit ng Tiwi, Albay na isang 99-anyos na lola ang pinakamatanda nilang nabakunahan sa nagpapatuloy na vaccination sa mga senior citizen.

Si Lola Maria Paz Dacir ang mag eedad na ng 100 years old darating na buwan ng Setyembre at hinangaan dahil sa lakas ng loob na magpaturok ng Covid-19 Vaccine.

Kung maaalala kasi kahapon isa lamang si lola Dacir sa mahigit sa 300 senior citizen mula sa 11 na barangay na nabakunahan sa Gymnasium ng Local Government ng Tiwi.

Ngunit aabot lamang sa 377 na A2 priority group ang nakatanggap ng bakuna sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga barangay na binigyan ng bakuna na senior citizen ay ang Barangay Cale, Bariis, Libtong, Coro-coro, Nagas, Gajo, Sugod, Joroan, Bagumbayan, San Bernardo at Cararayan.

Pinapaalalahanan rin ng LGU ang lahat na bawal ang walk-in sa vaccination site para masiguro na may sapat pang bakuna para sa mga naka-schedule. Tanging ang mga mayroon lamang na gate pass ang dapat na mababakunahan.  Patuloy din naman ang pagbabakuna sa Group A2: Senior Citizens.

Sinabi pa ng LGu,  kung nais na magpabakuna ngunit wala pa sa masterlist huwag mag-alinlangan na lumapit sa kanilang BHW/NDP na assigned sa barangay upang magpalista at maisama sa pagbabakuna oras na ipatawag muli ng Lgu.

Samantala, isang 99 anyos na lola ang pinakamatandang nabakunahan sa bayan ng Tiwi kung saan hindi nag-alinlangan na maturukan ng bakuna upang mabigyan ng proteksyon laban sa sakit na nakakamatay na covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *