99% ng mga respondents sa SWS survey, nagsabing proud sila bilang isang Pilipino

Tila buhay parin ang diwa ng Pinoy Pride matapos na 99 percent ng mga respondents ang nagpahayag na sila ay “proud” bilang isang Pilipino, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations

Sa survey na isinagawa noong December 10 hanggang December 14, 2022 na may 1, 200 respondents, tinanong ang mga respondents kung gaano nila ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino.

Nasa 91 percent sa mga ito ang sumagot na sila ay “very proud” sa pagiging isang Pilipino habang walong porsyento naman ang nagsabing sila ay “quite proud” na sila ay isang Pilipino.

Isang porsyento lamang ang nagsabi na sila ay “not very proud” o “not proud sa kanilang nasyunalidad.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *