99k na turista, naitala sa isla ng Boracay sa loob ng 15 araw ngayong buwan ng Mayo

Nagtala ang isla ng Boracay ng mahigit sa 99,000 na turista sa loob lamang ng 15 araw ngayong buwan ng Mayo.

Base sa Malay-Boracay Tourism Office, naitala ang 99,755 na Boracay Island Tourist Arrivals mula May 1-15,2023.

Sa naturang bilang, 79,820 dito ang domestic tourists; 1,392 ang OFW/OF’s; habang 18,543 ang foreign tourists. // ANN DESLENE SALAZAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *