SORSOGON CITY – Aabot sa 2,500 ang bilang ng target beneficiaries na nakatakdang mag-claim ng kanilang pay-out sa educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bukas, araw ng Sabado, September 17.
Ang bilang ay batay ito sa inilabas na anunsyo ng DSWD Bicol sa kanilang official facebook page.
Ang naturang mga benepisyaryo ay mula sa bayan ng Castilla at Lungsod ng Sorsogon. Venue pa rin ng pay out ang Sorsogon Provincial Gymnasium kung saan paalala pa rin ng ahensya sa publiko na tanging mga nakatanggap lamang ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message mula sa kanilang tanggapan ang dapat na magpunta dahil ang mga ito lamang ang ipoproseso ng ahensya at hindi pa rin papayagan ang mga walk-ins.