Solon: kay Marcos galing ang utos sa pagtatag ng Maharlika Investment Fund

Isa umanong inisyatibo ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtatatag ng sariling Maharlika Investment Fund ng Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni House Ways and Means committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda.

Matatandaaang kahapon nang mabilis na makalusot sa House committee on banks and financial intermediaries ang House Bill No. 6398 ni House Speaker Martin Romualdez.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa ilalim nito, si Marcos ang magiging chairperson ng naturang korporasyon naisang pooled fund mula sa iba’t ibang government financial institutions.

Ayon kay Salceda, si Marcos mismo ang nag-utos na magkaroon ng sariling sovereign wealth fund ang Pilipinas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Gagamitin aniya ito para mapondohan ang iba’t ibang mga national development kagaya na lamang ng mga dams.

Tiniyak naman ng mambabatas na magkakaroon ito ng sapat na safeguards at levels of accountability.
#