Imbestigasyon sa pekeng ‘destablization memo’ ng PNP, uumpisahan na

Tinutunton na ng Philippine National Police (PNP) ang pinagmulan ng memo na nagsasabing mayroon ‘di umanong naka-ambang destabilization sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pulong balitaan – sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na sinisiyasat na nila kung saan ito nanggaling.

Hindi rin uamno nila isinasantabi kung mayroon bang security lapses sa hanay ng PNP nang kumalat ang pekeng memo na naglalagay sa full-alert status ng PNP.

Sakali man aniyang mapatunayang mayroong dapat managot sa memorandum ay papatawan nila ito ng nararapat na mga sanctions.

Dahil dito, inatasan na nila si Police Regional Office director BGen. Mafelino Bazar na aralin kung saan nanggaling ang naturang memo.

Matatandaan kasing lumabas ang isang memo na may petsang January 7, 2023 na nilagdaan ng isang pulis-Cordillera na nagngangalang Lt. Gol. Dexter Ominga.

Ang memo na ito ay mayroong iba’t ibang bersyon na nag-circulate pa sa iba’t ibang units kabilang na sa Special Action Force (SAF), PRO-6 at PRO-13.

Muli namang pinabulaanan ni Azurin ang napaulat na kaguluhan sa Kasundaluhan.

Sa katunayan, nakausap na umano niya si reappointed AFP chief-of-staff General Andres Centino at tiniyak na nito ang mahigpit na koordinasyon at trabaho para masiguro ang stability sa Gobyerno at sa buong bansa.

Bago ito, una nang nilinaw ni PNP public information office chief Col. Red Maranan na ang mga kumalat na retrato sa Facebhookj na mga nakapusisyong mga Police ay bilang paghahanda sa Translacion, ‘o ‘di kaya nama’y kanilang regular operational readiness.

AFP, hindi na raw magsasayang ng oras sa napabalitang destablization sa kanilang hanay

Hindi raw malaman-laman ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar kung saan ba nanggaling ang isyu ng destabliization plot sa kanilang hanay.

Ayon kay Aguilar, hindi na raw nila pagaaksayahan pa ng oras ang naturang balita, at hahayaan na nila ang PNP na mag-imbestiga sa naturang memo.

Muling iginiit ng AFP spokesperson na ‘propesyonal’ ang mga sundalo at ang pangunahin nilang tinututukan ay ang pagpapanatili sa kapaayapaan ng Pilipinas.

Hindi rin umano totoong mayroong mga pinag-resign na AFP officials.

Matatandaaang una nang pinabulaanan ng PNP at ng AFP ang napaulat na memo.

Nagpahayag na rin ang tatlong branches ng AFP kabilang na ang Army, Navy, at Air Force ng kani-kanilang mga suporta para sa reappointment ni Centino.

Sinabi naman ni Aguilar na hindi pa nakakapulong ni Centino ang mga commanders ng tatlong AFP branches para ilatag ang kanyang marching orders.
#

‘Hindi napapanahon’ – ex senator Honasan

Tinawag ni dating Senator Gringo Honasan na hindi napapanahon ang nababalitang destabilization sa hanay ng AFP.

Sa panayam, sinabi ni Honasan na dapat natuto na ang bansa sa kasaysayan at dapat na mas pagtuunan na lang ng pansin ang maraming problemang kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Honasan, hindi pa tapos ang COVID-19, marami ang nagugutom at malaki pa rin ang problema sa pabahay at marami pang iba.

Binigyang diin pa ni Honasan na baka makalimutan ang tunay na misyon ng AFP na kaayusan at proteksyunan ang bansa kung magpo-focus ang sambayanan sa mga tsismis.

Sang-ayon naman si Honasan na baguhin ang batas na nagtatakda ng 3-year term ang AFP Chief of Staff kung makakatulong para masolusyunan ang sinasabing demoralization sa AFP.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *