Ombudsman, sisilipin na ang pagsirit ng onion prices

Kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires na iimbestigahan na ng kanilang tanggapan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng sibuyas sa merkado.

Sa isang pahayag, sinabi ni Martires na ipatatawag nila ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated para pagpaliwanagin hinggil sa isyu.

Aalamin din umano nila kung mayroon bang kamay ang mga traders ng sibuyas sa pagma-manipula ng presyo sa merkado – dahilan para sumipa ang farmgate prices nito.

READ MORE: Pag-aangkat ng 21,000 Metric Tons ng pula at puting sibuyas, inaprubahan na

Bilang tugon, sinabi ni DA Deputy Spokesperson Asec. Rex Estoperez, kinikilala nila ang otoridad ng Ombudsman sa isasagawang imbestigasyon.

Handa umanong magpaliwanag ang kanilang mga opisyal sakaling ipatawag kaugnay sa ₱140 million na pondo na inilaan sa pagbili ng sibuyas.

HOUSE PROBE

Kaugnay nito, naghain na rin si Marikina Rep. Stella Qumbo ng resolusyon para imbestigahan ang posibilidad ng pagkakaroon ng ‘onion cartel’.

Sa ilalim ng House Resolution No. 681, mag-iimbestiga ang House Committeess on Economic Affairs, at Trade and Industry para matukoy ang kakulangan ng intervention ng Philippine Competition COmmission sa naturang isyu.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *