Maaari pang magsumite ng proposal ang mga Lokal na Pamahalaan para sa mga proyektong pwedeng mapondohan sa Financial Assistance for Local Government Unit ngayong 2021.
Ito ay para sa provincial, city, municipal at mga barangay hanggang sa katapusan ng Hunyo sa Department of Budget and Management Regional Office.
Paalala lamang ng Department of Interior and Local Government, isumite ang mga request at kinakailangang dokumento atsaka makipag-ugnayan sa DBM.
Matatandaan na mayroong 13.6 bilyong piso na inilaan ang gobyerno para sa local government support fund-financial assistance para sa mga proyektong pang-imprastruktura at iba pang development projects.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO