Kinumpirma ng PAG-ASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon sa tropical pacific matapos ang isinagawang press conference kanina lamang.
Ayon kay Analisa Solis, na dahil sa pagsisimula ng El Niño ay makararanas ng malimit na pag-ulan sa ilang bahagi sa bansa at magtatagal ito hanggang sa unang quarte ng 2024.
Aniya, bagaman pinataas ng El Niño ang tsansa ng below normal rainfall conditions ay possible pa ring maranasan sa ibang bahagi ng bansa ang malakas na pag-ulan dahil sa Habagat.
Dagdag pa nito ang mararanasan na dry spell, drought at iba ay malaki ang epekto sa agricultural sector at iba pa.
Inihayag naman ni Dr. Renatos Solidum Jr na matagal nang pinaghahandaan ng pamahalaan ang El Niño ngunit mahalaga pa rin aniya ang mga rekomendasyon at abiso ng DOST PAGASA upang maging alerto at handa ang lahat.