Umapela si dating MTRCB chairperson Senator Grace Poe sa mga kritiko at mga producers na panoorin muna ang pelikulang ‘Barbie’.
Aniya, bago raw mag-release ng iba’t ibang statements, dapat ay maging maingat na muna tayo dahil ito ay usapin ng geopolitical issue.
Sa Kapihan sa Senado – sinabi ni Poe na ‘kalokohan’ kung ise-censor ang nakitang mala-nine-dash line na guhit sa mapa na makikita sa pelikula.
Sabi ng Senadora, ito raw ay ’20-dash line’ at ‘lakbayin ni Barbie’.
Ibig-sabihin, ito raw ‘yung mga pupuntahan ni Barbie matapos niyang tumapak sa ‘real world’ mula sa kaniyang ‘barbie world’.