KORONADAL CITY- PINAALALAHANAN ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE ang publiko na ang lahat na mga programa at serbisyo ng ahensya na naglalaan ng pondo para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Accredited Co-Partner o ACP, ay maaaring ma-avail ng libre at wala na umanong counterparts o bayad.
Ginawa umano ang mga programa gaya nito upang masuportahan at mapaibayo ang pamumuhay ng mga mahihirap na lubos na nangangailangan.
Binigyang-diin ng ahensya na walang anomang pinasyal na obligasyon ang sino man o grupo na gustong makakuha ng serbisyo na binibigay ng DOLE.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan lamang sa mga DOLE offices malapit sa inyong mga lugar para sa ilang mga katanungan upang malinawan sa mga proseso.