饾棝饾棞饾棜饾棞饾棫 饾煭饾煬饾煬饾棡 饾棥饾棓 饾棔饾棙饾棥饾棙饾棧饾棞饾棪饾棓饾棩饾棳饾棦, 饾棞饾棥饾棓饾棓饾棪饾棓饾棝饾棓饾棥饾棜 饾棗饾棓饾棗饾棓饾棢饾棦 饾棔饾棬饾棡饾棓饾棪 饾棪饾棓 饾棔饾棓饾棜饾棦饾棥饾棜 饾棧饾棞饾棢饾棞饾棧饾棞饾棥饾棓饾棪 饾棪饾棙饾棩饾棔饾棞饾棪饾棳饾棦 饾棛饾棓饾棞饾棩; 饾棪饾棙饾棜饾棬饾棩饾棞饾棗饾棓饾棗, 饾棫饾棞饾棥饾棞饾棳饾棓饾棡 饾棥饾棜 饾棧饾棥饾棧

Tiniyak ng City of Ilagan Police Station ang seguridad at kaligtasan ng nasa 110, 000 na mga benepisaryo at iba pa na dadalo bukas sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lunsod.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay City of Ilagan PNP Chief PLtCol Lord Wilson Adorio, nasa 383 uniformed personnel na kinabibilangan ng PNP, BJMP at Philippine Army at higit 50 na force multipliers o mga barangay tanod ang naka-deploy upang matiyak ang seguridad sa pagdadausan ng aktibidad.

Aniya, noong nakaraang linggo pa nakahanda na ang PNP at iba pang law enforcement agencies kung saan inilatag na ang security plan at rerouting scheme.

Kaugnay dito, mayroong mga marshalls ang naka-deploy upang maituro sa mga dadalo ang apat na drop-off point at mga daanang bawal pasukan.

Ang BP Serbisyo Fair ay isasagawa sa Complex at Isabela National High School kung saan karamihan sa mga serbisyo mula sa iba鈥檛 ibang ahensya ng gobyerno ay narito.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga dadalo na huwag ng magdala ng mabibigat na gamit kung tubig at pananggala na lamang sa ulan dahil inaasahan ang maulan na panahon bukas.

Nagpapatuloy naman ang Comelec checkpoint, foot patrol, mobile patrol at intelligence gathering na isinasagawa ng kapulisan upang matiyak ang isaandaang porsyentong kaligtasan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *